Ruth is a full-time writer. Foodie. Happy camper. Wanders a lot. Used to have the worst taste in men. A reformed swipe-a-holic. Reviving her blog after its death.
Tuesday, December 13, 2005
Wala naman akong gustong sabihin, gusto ko lang magpost.
Buhay pa naman ako. Gusto ko lang namang pumatay ng tao. Kaya lang naisip ko kung makapatay ako, baka makulong ako. Eh diyos ko, di naman bagay sa koreksyonal ang beauty ko.
Isa pa, poproblemahin ko pa kung pano ko siya mapapatay. Gagamit ba ako ng patalim o ng baril? Lalasunin ko ba o ihuhulog ko na lang sa bangin? Ano man ang piliin ko, effort at gastos pa yun. Ano ako? Hilo? Hindi no!
So pababayaan ko na lang siya. Live and let live ika nga. Wala naman akong mapapala kung magtatanim ako ng galit diba?
Magpapaka-zen na lang ako. Breathe in, breathe out. Relax. Positive energy in, negative energy out!
Nakakapagod na rin ang mga problema. Ayoko ng mag-isip. Ayoko ng isipin siya. Ayoko ko ng mamroblema. Parang puwede ba? Overrated na masyado, ha!
So ayun, goodbye na lang sa kanya! Sana sumaya na siya, kasi ako alam ko malapit na. :)
1 Comments:
Hi, just wanted to say hi since we have the same birthday. I saw it at RBJ. :-)
Post a Comment
<< Home