Ruth is a full-time writer. Foodie. Happy camper. Wanders a lot. Used to have the worst taste in men. A reformed swipe-a-holic. Reviving her blog after its death.
Saturday, December 21, 2002
Akala ko talaga, okey na ang lahat kanina sa Christmas party ng Tomcat. Masaya na sana ako. Nakapaglaro na kami parlor games, nabusog na ako sa kakakain. Kahit na ang mga hayup na caterers eh kinuha ang kanilang mga gamit nila kahit hindi pa tapos ang party kasi naman daw holiday na nila. Engot pala sila eh, bakit pa nila tinanggap ang pagcater kung alam nilang holiday na?
So, anyways, masaya na sana ako. Kahit hindi ko na kilala ang kalahati sa miyembro ng organization, nagtry pa rin naman akong makisama sa kanila. Ewan ko nga ba at bakit biglang nagdrama ang mga pokpok kong mga kabatch at naisipan nila na ang kahuli-hulihang part ng programa eh inspirational game.
Eto yung mechanics niya: Gagawa ng malaking bilog ang mga tao. May mahabang twine. Ibibigay ng isang tao ang dulo ng twine sa isa pang tao na malaki ang naitulong sa kanya/nakatouch sa buhay niya/o nakagalit niya recently.
Kung alam ko lang na ganun yung game na yun, tang-ina, lumayas na talaga sana ako ng mas maaga. Nagtinginan na lang kami ng isa ko pang kaibigan. Pareho kame ng nasa isip, “Shet, walang magpapasa ng pisi sa ‘tin.”
Tama ang aming hinala… matapos ang labinlimang minuto, nakatayo pa rin kami, walang kumonek sa ‘min, habang nagkakabuhol-buhol na ang pisi sa mga daliri ng ibang tao.
Gusto ko na talagang lumayas nun. Hindi naman ako nagagalit. Alam ko naman na pagkukulang ko yun. Hindi naman kasalanan ng ibang tao na wala akong natulong sa mga recent productions ng org. Hindi nila kasalanan na nagbonding sila dahil nagshare sila ng mga paghihirap sa mga trabaho. Hindi nila kasalanan na ang only contribution ko lang sa kanila recently eh makipaglandian at makipagbiruan sa kanila. Pero shet, hindi ko rin naman kasalanan na masaktan ako at maramdaman na hindi ko na grupo ‘to.
Hanggang sa wakes, ay may nag-abot ng pisi sa aking kaibigan. As expected, siyempre, sa kin niya binigay yun. Kinuha ko yung pagkakataon na mag-sorry sa aming adviser at sa aming “boss”.
Lumipas na naman ang labinlimang minuto. Nagkapatong-patong na ang mga pising kulay orange at violet sa gitna ng mga tao. Isang pisi pa rin ang nakonek sa min.
Tapos, kinonek kami uli ng aming “boss”. Natouch ako sa sinabi niya. Sabi niya, kaibigan daw ang turing niya sa ‘ming gagraduate na batch. Na in a way, nagserve naman kami sa org nung panahon namin. Nawelcome kami, anytime. Kinilabutan ako kasi hindi naman ganun magsalita sa Ate Rowie. In fact, nagpasalamat nga siya. Gusto kong umiyak kaso alam ko magmumukha akong tanga. Kaya ngumiti na lang ako.
Si Ate Rowie kasi, kahit akala ng ibang tao eh nakakatakot at mataray, eh nirerespeto ko. Akala ng iba kong kaibigan takot ako sa kanya kaya ayaw kong lumapit. Minsan pinababayaan ko na lang sila sa akalang yun. Kasi mas mahihirapan pa akong iexplain sa kanila na kaya ayaw kong lumapit ay dahil namomongoloid ako kapag kasama ko siya. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa respeto.
Ayun, tapos na ang aking pagdadrama. Mahal ko talaga ang Tomcat kahit anong mangyari. Kung bakit ganito ang ugali ko ngayon ay partially dahil sa mga tao dun.
Gumradweyt na ang karamihan sa mga kabatch ko. Namimiss ko na nga sila. Pero kahit papaano, bago ako umuwi, nakita ko na naman ang aking pamilya sa Edtech. Eh ano ngayon kung karamihan sa kanila gustong maging artista? Kaya nga masaya eh… dahil parating feeling stariray sila.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home