Blog roll

alexa
andrea
ara
bunny
ciejei
dindin
gabby
gibbsy
giles
isnitan
queen leidy
shaynie
patwee
pamster
kathy
2 hot 2 handle
j
joyce
keech
lui
mela
pem
ro-anne
ronron
sir lito
tere

affliations

rice bowl journals

many thanks to

- photobucket
- blogskins

- blogger





Ruth is a full-time writer. Foodie. Happy camper. Wanders a lot. Used to have the worst taste in men. A reformed swipe-a-holic. Reviving her blog after its death.

Monday, November 03, 2003

I survived "The Phone"

Ayan, feeling mo kasi ang tapang tapang mo.

Ang lakas lakas ng loob mo na pumasok sa sine na mag-isa para manood ng "The Phone". Shempre, pinili mo pa yung nasa gitna ka para nasa sentro ka ng screen, para mas feel mo kumbaga ang buong pelikula. Tapos, shempre dahil natrauma ka na minsang manood ka ng sine at me nagmasturbate sa tabi mo, pinili mo ang row na wala kang makakatabi.

Feeling naman kasi eh beterana na, kasi ilang beses ng napanood ang "The Ring" 1, 2 at 0. Sige, isama na rin natin ang "The Eye" at pati na rin ang "The Others". Pakiramdam mo pa kasi bestfriend mo na si Sadako, pareho pa kasi kayo ng salon na pinupuntahan.


Kaya ayan, buti nga sa iyo, namilipit ka tuloy sa takot. Pilit na pinipigil ang pagtili, pano, nakakahiya naman sa mga katabi mo kung ikaw lang diyan ang sumigaw mag-isa, diba?

Buti na lang at me tumabi sa iyong mga maiingay na babae na walang pakundangang nagdudot-dot ng kanilang mga cell phone sa sine. Dumating pa nga sa point na hiningi mo na sana magparamdam sa kanila si Jin Hee para naman matauhan ang mga gaga.

Pero, k fine, kahit na me mga katabi ka na, di mo pa rin pala carry. Kaya ayun, ikaw na naman ang nagtetext sa mga kaibigan mo para kunwari nasa tabi mo lang sila. Well, wala ring nangyari. Takot ka pa rin.

Naisip mo na sayang naman ang binayad mo kung lumabas kang di mo man lang natatapos ang pelikula. Kaya eto na ang ang dahilan kung paano mo natapos ang pelikula. Shempre, ano pa bang iba mong gagawin kundi ang PUMIKIT.

Ewan ko ba sa iyo, next time nga bumili ka na lang ng pirated DVD sa Quiapo. Or better yet, kung gusto mo lang palang mapanood si Ara Mina, manood ka na lang ng "Bubble Gang" every Friday noh!